[..A Rainy Summer in Heaven..]

“life is a world that exists inside a box of possibilities….”

Tenk U!

Pasasalamat!

 

Alam kong medyo late na itong aking pagpapasalamat ulit sa mga taong bumuo ng aking buong taon last year, lalo na nung Bohol trip at Christmas party. Pero ‘di ba better be very late than never. (Pasensya na kung dito ko pa nailagay, peace!)

 

Una, kina Tito Beng at Tita Clet. Salamat sa mga chocolates na padala, kahit medyo sumakit yung katawan ko sa pakikipagbunguan sa iba para lang makakuha ng Milky Way at in the end yung ngipin ko sa kakasamuol ng mga chocolates, salamat pa rin! Sa uulitin ulit! At sana after Bohol, sa HK naman! (nag-susugest lang naman po!)

 

Kina Kuya Brandon at Ate Dada! Salamat sa halos araw-araw na food trip, lalo na sa pasta last December! Astig yun! Walang tatalo dun, bonggang-bongga! Salamat din pala sa bookmark Ate Dada! Isang bagsak ng aking pagpapasalamat sa inyong dalawa! Sana by next two years, makabalik ulit kayo! Yeah man!

 

Kay Kuya Em, salamat sa ‘di malilimutang pagpapa-spa! Kahit medyo na-violate nang kaunti, ayos lang, sulit pa din naman eh, tska ang importante, laugh trip ng sobra after ng massage! Kay Ate Mel, kahit hindi ‘to nakasulat sa Ingles pa-interpret mo na lang kay Kuya Em ang hirap mag-ingles eh, tska dapat sanayin mo na kasi dapat matuto ka nang magtagalog. Anyway, salamat sa “The Killers” dahil dun mas na-enjoy ko pa yung mga kanta nila kahit medyo sumakit yung ulo ko sa kakayugyog ng ulo para sa jamming. Salamat ng sobra! Sa susunod ulit, ibang album naman. Hahahaha. Peace! Sana na-enjoy mo na yung book!

 

Kay cousin Chean, salamat sa pagsama sa Bohol. Kahit medyo ipinagpalit mo yun sa exam, ayus lang enjoy naman eh! Wala talagang tatalo sa ‘yo inday! Salamat sa pagpapatawa, pagkembot at pagrocken-roll! Kembot mo! Itaas mo para sa walang hanggang kasiyahan! Patola!

 

Kulang na ata yung space, pero sa lahat nang buong angkan, salamat at kumpleto lahat nung last Christmas – first time through the years. Salamat sa nakakahingalong games, kasumpa-sumpang sayawan, kantahan, walang hingahang agawan, sunggaban at sakitan sa mga chocolates, siksikan sa kama at sa halos walang kamatayang kainan nung kainan, super Salamat! Palakpakan! Sa uulitin ulit! By next year!

 

Alam kong hindi ito sapat para ipagpasalamat yung mga tao na bumuo nung ending ng taon ko last year! Kahit medyo masalimuot yung mga early months, nakumpleto ang lahat nung last December! Salamat sa saya! Salamat sa taon! Salamat sa inyo! Puwede na ba akong best actor sa Famas….? Woooooooh!

 

hanggang sa dulo ng mundo
hanggang maubos ang ubo
hanggang gumulong ang luha
hanggang mahulog ang tala

masdan mo ang aking mata

di mo ba nakikita

ako ngayo’y lumilipad at nasa langit na

gusto mo ba’ng sumama?

 

- Alapaap, Eraserheads

 

 

 

(palakpakan) (ngiti) (torotot) (exit)

No comments yet»

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.